Mantigue Island
Kung gagawa tayo ng travel blog, dapat hindi lang sa lugar natin ang puntahan natin kundi sa ibang lugar naman na nakaka akit ang mga ganda. Kaya bisitahin natin ang Camiguin, isang maliit na isla. At malapit sa islang Camiguin ay ang Mantigue island. Umaabot ng 30 minuto galing sa Camiguin island para makapunta sa Mantigue island gamit ang bangka. Ang dagat ay malinaw talaga at ang mga buhangin ay napakaputi gaya ng kulay ng gatas. At malalaman mo kapag malalim na ang dagat dahil mas nagiging asul ang kulay nito.Meron din silang rent para sa snorkeling para mas makita ang kagandahan ng islang ito sa ilalim.






Mga Komento
Mag-post ng isang Komento